Huling namataan ang bagyo sa 125 Northwest ng Calapan City Oriental Mindoro.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 130kph at pagbugsong aabot sa 160kph at kumikilos sa direksyong West Northwest sa bilis na 9kph.
Nakataas pa rin ang signal number 3 sa Northern Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island; signal number 2 sa Bataan, Batangas, Cavite, Northern Oriental Mindoro at nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro.
Habang Signal number 1 pa rin sa Metro Manila, Pampanga, Southern Zambales, Bulacan, Laguna, Calamian group of Islands at nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro.
Sa abiso ng PAGASA, pinag-iingat ang publiko sa flashfloods at landslides sa mga lalawigan ng Mindoro, Bataan, Zambales, Pampanga, Bulacan at Metro Manila.
Maghahatid kasi ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang bagyong Nona sa loob ng 250 kilometers diameter nito.
Bukas ng umaga inaasahang nasa 290 km West ng Calapan City, Oriental Mindoro ang bagyo at sa 355 km West Southwest of Coron, Palawan sa Biyernes.
Ayon sa PAGASA sa susunod na 24-oras ay maaring alisin na nila ang mga public storm warning signals na nakataas sa iba’t-ibang lugar sa bansa.