Folayang, Alvarez magsasagupa sa ONE Manila undercard sa Agosto

By Len Montaño June 11, 2019 - 03:33 AM SHARE(S):

Parehong target ang redemption, maglalaban sa octagon ang mixed martial arts stars na sina Eduard Folayang at Eddie Alvarez sa ONE: Dawn of Heroes sa August 2 sa Mall of Asia Arena.

Parehong natalo sina Folayang at Alvarez sa ONE: An New Era sa Japan kaya kapwa nila nais na makabawi.

Napunta ang lightweight title ng 35 anyos na Pinoy na si Folayang kay Shinya Aoki via submission sa main event sa Tokyo habang si Alvarez ay nilampaso ni Timofey Nastukhin sa undercard.

Samantala, dalawa pang Filipino MMA players ang sasabak sa Manila card, ito ay sina Danny Kingad at dating featherweight world champion na si Honorio Banario.

Mapapanood din ng Pinoy fans ang isa sa mga greatest MMA fighters na si Demetrious Johnson.

Matapos ang Folayang-Alvarez undercard, mapapanood ang main event sa pagitan nina Muay Thai world champion Jonathan Haggerty ng United Kingdom at Rodtang Jitmuangon ng Thailand.

 

TAGS: Eddie Alvarez, Eduard Folayang, Mixed martial arts, octagon, ONE: An New Era, ONE: Dawn of Heroes, undercard, Eddie Alvarez, Eduard Folayang, Mixed martial arts, octagon, ONE: An New Era, ONE: Dawn of Heroes, undercard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.