Piloto patay sa pagbagsak ng helicopter sa gusali sa Manhattan
Patay ang isang piloto ng isang helicopter na bumagsak sa mataas na gusali sa Manhattan.
Ayon sa New York City Fire Department, nag-crash ang helicopter sa itaas ng tower sa 787 7th Avenue dakong alas 2:00 Lunes ng hapon oras sa Amerika.
Ang gusali ay malapit sa Rockefeller Center at Times Square.
Nagkaroon ng sunog kasunod ng crash-landing pero naapula na rin ito.
Ayon kay New New York Gov. Andrew Cuomo, ang ginawa ng helicopter ay “forced landing, emergency landing or landed on the roof.”
Naramdaman anya ng mga tao sa gusali ang paggalaw ng istraktura.
Sa unang ulat ay sinasabing ang piloto lamang ang sakay ng helicopter.
Pero inaalam ng mga otoridad kung may iba pang casualties sa insidente.
Pinalikas na ang mga tao na nasa gusali.
Samantala, pinasalamatan ni US President Donald Trump ang first responders na tumugon sa lugar.
Handa anya ang kanyang administrasyon sa anumang kailangan ng mga rescuers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.