M3.1 na lindol naitala sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Surigao del Sur alas-12:31 Martes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong apat na kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Bayabas.

May lalim ang pagyanig na 48 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...