Hirit ni Robredo na hayaan ang imbestigasyon ng UN experts, pinalagan ng Palasyo
Sinupalpal ng Palasyo ng Malakanyang ang hirit ni Vice President Leni Robredo na hayaan ang ilang United Nations human rights experts na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa nagaganap na patayan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala nang saysay ang gagawing imbestigasyon ng UN experts dahil noon pa man ay mayroon na silang konklusyon na nalalabag umano ang karapatang pantao ng mga Filipino at marami na ang napapatay sa kasalukuyang administrasyon.
Paulit-ulit na lamang aniya ang mga kritiko ni Pangulong Duterte sa pagbibigay ng maling impormasyon kaugnay sa mga ginagawa ng administrasyon.
Batid na aniya ng UN experts na hindi totoo ang alegasyon dahil pawang paninira lamang ito sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.