Halos 8 libong pasahero, stranded sa mga pantalan

By Kathleen Betina Aenlle December 16, 2015 - 04:48 AM

Inquirer file photo

Dahil sa pananalasa ng bagyong Nona, aabot sa 7,601 pasahero ang na-stranded sa iba’t ibang mga pantalan sa bansa.

Ayon sa pinakahuling update ng Philippine Coast Guard, naitala ang pinakamaraming stranded na pasahero sa Southern Tagalog kung saan may 2,102 katao ang nanatili sa pantalan dahil sa masamang panahon.

May 1,551 na pasahero naman ang na-stranded sa Central Visayas, at 1,484 sa Eastern Visayas.

Sa Bicol naman, 873 pasahero ang stranded, habang 761 sa Western Visayas, 674 sa Palawan, 172 sa National Capital Region at Central Luzon, at 11 naman sa Northeastern Luzon.

Kasabay nito, sa kabuuan ay may 97 na vessels rin na nastranded, 94 na bangkang de motor at 1,027 na rolling cargo.

Samantala, nagpahayag naman ng kahandaan ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) na magbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong ‘Nona’.

Ayon kay PCSO vice chairman at general manager Jose Ferdinand Rojas II, inalerto na nila ang kanilang mga sangay sa Visayas, Southern Tagalog at Bicol Region para maging handa na magbigay ng anumang kakailanganing tulong para sa mga nasalanta ng bagyo.

Tinimbrehan na rin ng kanilang Charity Sector ang Special Projects division na makipag-ugnayan na sa mga kinauukulang sangay hinggil sa calamity assistance na maaring ibigay sa mga pamilyang nangangailangan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.