Mga pagkain ibinaon sa Manila Boystown complex

By Len Montaño June 10, 2019 - 11:33 PM

Credit: Isko Moreno Domagoso

Iimbestigahan ni incoming Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang pagtatapon ng iba’t ibang uri ng mga pagkain sa 10 talampakang dumpsite sa pasilidad ng Boystown.

Ayon kay Domagoso, ibinaon sa hukay ang bigas, asukal, kape, noodles, oatmeal at tsokolate kahit hindi pa panis, sira o expired ang mga ito.

Ininspeksyon ng mayor-elect ang lugar kasunod ng reklamo mula sa concerned citizens na may ibinaon na mga pagkain sa hukay na nasa loob ng Boystown complex.

“Ayon sa report na natanggap natin sa social media, itinapon daw ang mga pagkain na ito para hindi magamit ng susunod na administrasyon,” ani Domagoso.

Credit: Isko Moreno Domagoso

Naniniwala si Domagoso na isa itong uri ng sabotahe para sa lokal na pamahalaan ng Maynila kung saan siya na ang mamumuno epektibo sa July 1.

“Hindi pa pala sira ang mga pagkain na ito. Maayos at mapapakinabangan pa ito ng mga bata at matanda na nakatira sa Boystown na walang makain. Malinaw na isang uri ito ng pagsabotahe sa pamahalaan ng Lungsod ng Maynila,” dagdag ni Domagoso.

Tiniyak ni Domagoso na pag-upo niya sa pwesto ay agad na iimbestigahan ang itinapong mga pagkain para mapanagot ang mga opisyal at iba pa nasa likod nito.

“Iimbestigahan natin ito at pananagutin natin sa batas ang mga walang hiyang tao na may pakana sa pagsayang ng mga pagkain na ito. Hindi ba nila alam na maraming nagugutom? Hindi na ba sila nahabag sa katayuan ng mga walang makain?”

 

TAGS: Boystown, dumpsite, hindi pa expired, hindi pa panis, ibinaon, iimbestigahan, incoming Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, itinapon, Mayor-elect, pagkain, sabotahe, Boystown, dumpsite, hindi pa expired, hindi pa panis, ibinaon, iimbestigahan, incoming Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, itinapon, Mayor-elect, pagkain, sabotahe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.