Babaeng magpupuslit ng droga sa isang suspect arestado

By Len Montaño June 10, 2019 - 11:04 PM

Arestado ang isang babae na nagtangkang magpuslit ng droga sa isang preso sa Maynila.

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District Station 1 (MPD-PS1) ang isang babaeng dadalaw sana sa isang drug suspect.

Ayon kay MPD-PS1 commander Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, tinangka ng babaeng dalaw na magpasok ng 2 gramo ng droga sa pamamagitan ng pandesal.

Ang droga na inilagay sa pandesal ay ibibigay sana sa isang drug suspect na si alyas Jekong.

Si Jekong ay naaresto sa buy bust operation kamakailan sa gitna ng pina-igting na kampanya kontra droga na inutos ni MPD director Brig. Gen. Vicente Danao Jr.

 

TAGS: alyas Jekong, babae, Brig. Gen. Vicente Danao Jr., dalaw, Droga, drug suspect, Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, manila, Manila Police District, pandesal, puslit, alyas Jekong, babae, Brig. Gen. Vicente Danao Jr., dalaw, Droga, drug suspect, Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo, manila, Manila Police District, pandesal, puslit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.