Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ibabalik sa Australia ang mga containers na dumating sa bansa na may lamang mga basura.
Sa Twitter, inihayag ni Locsin na ibabalik ang mga basura sa Australia katulad ng ginawang hakbang sa Canada.
Dumating ang mga containers na may lamang basura sa Mindanao Container Terminal sa Misamis Oriental.
Matatandaang sinabi ni Presidential spokesman Salvador na ‘offensive’ ang pagtatapon ng basura ng Australia sa Pilipinas.
Iginiit pa ni Panelo na hindi hahayaan ng gobyerno na gawin ito ng ibang bansa sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.