Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, siya mismo ay nakatanggap ng reklamo ukol sa Kapa.
Dagdag ni Panelo, may nakasabay siyang tatlong pasahero sa eroplano patungong General Santos City kung saan nagrereklamo sa operasyon ng Kapa dahil sa na estafa.
“There had been numerous complaints with the President. In fact, me too, I have been receiving complaints about certain people there. That may have prompted the President from ordering the closure,” ani Panelo.
Sa ilalim ng operasyon, kikita ang isang investor ng 30 percent na tubo sa kanilang “love offering” sa Kapa ministry.
Ayon kay Panelo, batid na ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal
Investigation and Detection Group (CIDG) kung ano ang gagawin sa Kapa Ministry matapos iutos ng Pangulo ang pagpapasara at pagpapaaresto sa mga nasa likod ng operasyon nito.