Palasyo: Pagpapasara ni Duterte sa Kapa Ministry ibinase sa mga reklamo

By Chona Yu June 10, 2019 - 10:24 PM

Ang sunod sunod na reklamo ang naging basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipasara ang operasyon ng religious corporation na Kapa-Community Ministry International.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, siya mismo ay nakatanggap ng reklamo ukol sa Kapa.

Dagdag ni Panelo, may nakasabay siyang tatlong pasahero sa eroplano patungong General Santos City kung saan nagrereklamo sa operasyon ng Kapa dahil sa na estafa.

“There had been numerous complaints with the President. In fact, me too, I have been receiving complaints about certain people there. That may have prompted the President from ordering the closure,” ani Panelo.

Sa ilalim ng operasyon, kikita ang isang investor ng 30 percent na tubo sa kanilang “love offering” sa Kapa ministry.

Ayon kay Panelo, batid na ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal

Investigation and Detection Group (CIDG) kung ano ang gagawin sa Kapa Ministry matapos iutos ng Pangulo ang pagpapasara at pagpapaaresto sa mga nasa likod ng operasyon nito.

 

TAGS: basehan, CIDG, estafa, ipasara, Kapa Community Ministry International, love offering, NBI, Presidential spokesman Salvador Panelo, reklamo, tubo, basehan, CIDG, estafa, ipasara, Kapa Community Ministry International, love offering, NBI, Presidential spokesman Salvador Panelo, reklamo, tubo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.