Nanay at karelasyon nito arestado matapos piliting uminom ng alak ang 2 anyos na anak
Arestado ang isang ina at karelasyon nito makaraang piliting uminom ng alak at manigarilyo ang dalawang taong gulang na anak sa Quezon City.
Ayon sa pulisya, nadiskubre ng ama ng biktima sa pamamagitan ng cellphone video ang masamang gawain ng dalawa.
Nakunan ang video sa isang apartelle sa P. Tuazon Street sa Cubao noong June 3.
Agad iniulat ng ama ng bata ang pangyayari sa Novaliches Police Station ng Quezon City Police District (QCPD) na naging dahilan ng pag-aresto sa ina at pagsagip sa bata.
Samantala, sa follow-up operation sa Marikina, naaresto ang karelasyon ng babaeng suspek na napag-alamang isang criminology graduate.
Lumitaw pa sa imbestigasyon ng Cubao PNP na nag-aapply pa para maging pulis ang lalaking suspek.
Itinanggi ng dalawa na lulong sila sa droga nang mangyari ang insidente.
Humihingi ng tawad ang lalaking suspek sa tatay ng biktima.
Dinala ang bata sa Quezon City Social Services and Development Department.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.