Pinababa ang ilang pasahero ng Light Rail Transit (LRT-1) sa bahagi ng Central Station, Lunes ng gabi.
Pinalipat ang mga pasahero ng tren na patungong Roosevelt Station sa sumunod na tren bandang 6:58 ng gabi.
Paliwanag ni Rochelle Gamboa, pinuno ng LRT-1 Corporate Communications, kinailangang ilipat ang mga pasahero dahil sa ‘low pressure” na maaring magdulot ng paghinto ng tren.
Aniya, mayroon nang 30 taon ang edad ng mga tren dahilan para maranasan ang lo pressure sa mga ito.
Nagbalik naman sa normal ang operasyon ng LRT-1 matapos ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.