PMA Alumni Association idineklarang persona non grata si Erwin Tulfo
Idineklara ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI) ang brodkaster na si Erwin Tulfo bilang persona non grata.
Ito ay matapos ang pagbanat ni Tulfo laban kay DSWD Secretary Rolando Bautista makaraang hindi mapaunlakan ang tawag sa kaniyang radio program.
Ipinasa ng board of directors ng PMAAAI ang resolusyon noong June 7 para sa persona non grata declaration kay Tulfo.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng PMAAAI na mariin nilang kinondena ang naging asal at nakakainsultong salita ni Tulfo kay Bautista.
Ikinagalit ito ng mga aktibo at retiradong sundalo.
Sa ilalim ng deklarasyon, hindi na ikokonsidera ang anumang partisipasyon o presenya ni Tulfo sa anumang aktibidad o programa ng PMAAAI at kanilang affiliated organizations.
Hindi na rin magkakaroon si Tulfo ng anumang pribilehiyo bilang isang media practitioner.
Si Bautista ay miyembro ng PMA “Sandiwa” Classof 1985 at nagretiro bilang Army chief noong October 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.