May-ari ng WellMed Dialysis Center hawak na ng NBI

By Den Macaranas June 10, 2019 - 06:31 PM

Inquirer photo

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nasa custody na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng WellMed Dialysis Center na si Brian Sy.

Ang WellMed ay naunang nasangkot sa dialysis scam makaraan umanong maningil ng kabayaran sa Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) kahit namatay na ang ilan sa kanilang mga pasyente.

“I have been informed that Mr. Sy has been held and will be brought for inquest proceedings immediately,” ayon kay Guevarra.

Ipinaliwanag rin ni Guevarra na inihahanda na ang mga kasong posibleng kaharapin ng mga sangkot sa kidney treatment scam.

Nauna dito ay personal na inatasan ng pangulo ang mga concerned government agencies na hulihin ang may-ari ng WellMed dahil sa nasabing kontrobersiya.

Kanila ay pinagsumite na rin ni Duterte ng courtesy resignation ang mga opisyal ng Philhealth sa pangunguna ng kanilang pangulo at CEO na si Roy Ferrer.

Sinabi ng pangulo na hindi niya papayagan na manatili ang mga katiwalian sa mga ahensya ng pamahalaan.

TAGS: brian sy, dialysis scam, duterte, guevarra, kidney, NBI, philhealth, wellmed dialysis center, brian sy, dialysis scam, duterte, guevarra, kidney, NBI, philhealth, wellmed dialysis center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.