Raffy Tulfo kinasuhan ng bigamy sa QC

By Den Macaranas June 10, 2019 - 06:15 PM

Youtube screengrab

Sinampahan ng kasong bigamy ang brodkaster na si Raffy Tulfo sa Office of the City Prosecutor sa Quezon City.

Sinabi ng complainant na si Julieta Nacpil Licup na ikinasal sila ni Tulfo sa Office of the Mayor noong Oktubre 25, 1982 sa Capaz, Tarlac.

Ipinaliwanag ni Atty. Lifrendo Gonzales, abogado ni Licup na mayroon silang mga ebidensya na magpapatunay sa pahayag ng complainant.

Dahil may bisa pa ang nasabing kasal, sinabi ni Gonzales na nangangahulugan ito na walang bisa ang kasal ni Tulfo sa kanyang misis na si Jocelyn Pua Tulfo.

Ikinasal ang dalawa noong 1995.

Magugunitang si Jocelyn Pua Tulfo ay nanalo bilang ikalawang nominee ng Act-CIS partylist sa nakalipas na halalan.

Wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ng brodkaster kaugnay sa nasabing kaso.

TAGS: capaz, jocelyn pua, julieta nacpil licup, raffy tulfo, Tarlac, capaz, jocelyn pua, julieta nacpil licup, raffy tulfo, Tarlac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.