Lusot na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magpapaigting at mag-i-institutionalize sa pagbibigay proteksyon sa mga guro at iba pang personnel sa mga paaralan.
Sa botong 183 Yes at wala namang pagtutol ay naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9065 o ang “Teachers Protection Act”.
Layunin ng panukala na magpatupad ng mas pinaigting na pagdidisiplina sa mga estudyante at maglalatag ng tamang asal sa kanilang mga kapwa estudyante, mga guro at school staff lalo na tuwing oras ng klase at maging sa loob o labas man ng paaralan upang maiwasan na rin ang mga alegasyon ng “child abuse” sa mga guro.
Ang Department of Education ang mag-iisyu ng guidelines para sa teacher protection tulad ng karapatan at responsibilidad ng mga guro sa pagdidisiplina sa mga mag-aaral, epektibong pagtugon at intervention ng mga guro sa mga nalalabag na school rules at regulations ng mga estudyante at malinaw na disciplinary procedure sa mga paaralan.
Ang ilalatag ng DepEd na disciplinary rules at procedures ay hindi ituturing na uri ng child abuse o child exploitation alinsunod na rin sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.