Malacañang: Duterte may supresa para sa 5-minute Cubao-Makati route

By Angellic Jordan June 10, 2019 - 04:14 PM

Inquirer file photo

Tiniyak ng Malacañang na isang malaking surprise kung paano bibigyang solusyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matinding trapik para maging limang minuto na lamang ang biyahe mula sa Cubao, Quezon City hanggang sa Makati City.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may nakalatag na plano ng pangulo para matupad ang pangakong limang minutong biyahe na Cubao-Makati.

Gayunman, hindi na nakapagbigay ng karagdagang detalye si Panelo kung anong konkretong hakbang ang gagawin ng pangulo.

Kasabay nito, umaasa ang palasyo na pagbibigyan ng susunod na kongreso ang hirit ng pangulo na emergency powers para maresolba ang matinding traffic sa Metro Manila.

Batid aniya ng dalawang kapulungan na ang kalagayan ng mga pasahero ang kanilang dapat na bigyang prayoridad.

TAGS: 5 minutes, Cubao, duterte, Makati, panelo, traffic, 5 minutes, Cubao, duterte, Makati, panelo, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.