Babaeng prosecutor, sugatan sa pamamaril sa Oriental Mindoro

By Rose Cabrales June 10, 2019 - 01:11 PM

Pinagbabaril ang isang babaeng prosecutor sa bayan ng Calpan sa lalawigan ng Oriental Mindoro, Lunes ng umaga (June 10).

Nakilala ang biktima na si Fiscal Josephine Olivar.

Ayon kay Lt. Col. Socrates Faltado, information officer ng MIMAROPA police pinagbabaril si Olivar bandang alas-9:30 ng
umaga sa Barangay Bayanan ng hindi pa nakikilalang gunmen na nakatakas.

Agad isinugod sa MMG Hospital sa Calapan City ang biktima na ngayon ay nasa stable na kondisyon na.

Ayon kay Justice Undersecretary Markk Perete, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtamo ng dalawang tama ng
bala sa ulo at tatlo sa katawan si Olivar.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

TAGS: ambush, fiscal, Oriental Mindoro, ambush, fiscal, Oriental Mindoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.