Avengers star Chris Pratt ikinasal na sa anak ng terminator actor na si Arnold Schwarzenegger
Ikinasal na ang aktor na si Christ Pratt sa kasintahang si Katherine Schwarzenegger, anak ng Terminator actor na si Arnold Schwarzenegger.
Simple lamang ang naging seremonya na ginanap sa San Ysidro Ranch sa Montecito, California noong Sabado, June 8 (Linggo, June 9 Manila time).
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Pratt ang isang larawan ng aniya ay “intimate, moving and emotional” event na tinawag din ng aktor na “the best day of our lives.”
Ayon sa caption ni Pratt. “ Yesterday was the best day of our lives! We became husband and wife in front of God, our families and those we love. It was intimate, moving and emotional. We feel so blessed to begin this new chapter of our lives…”
Bukod sa magulang ng bride na sina Maria Shriver at Arnold Schwarzenegger, dumalo din ang ilan sa mga kaibigan ni Pratt gaya ni Rod Lowe at Guardians of the Galaxy Director James Gunn.
Nasa seremonya din ang 6-anyos na anak ni Pratt sa dating misis na si Anna Faris.
Si Pratt ay 39-anyos habang si Katherine ay 29-anyos na nagkakilala noong isang taon.
Nakilala ang aktor sa pelikulang Guardians of the Galaxy bilang Star-Lord.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.