Pagkakaroon ng proteksyon ng mga OFW sa Russia isinusulong ni Speaker GMA

By Erwin Aguilon June 10, 2019 - 11:51 AM

Isinusulong ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagkakaroon ng labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Russian government para sa mas maayos na proteksyon sa mga manggagawang Pinoy doon.

Sa kanyang talumpati sa St. Petersburg International Economic Forum sa Russia, sinabi ni Speaker GMA na majority sa tinatayang 10,000 Filipinos na nagtatrabaho sa nasabing bansa ay mga undocumented.

Ang mga ito anya ay nagbayad ng aabot sa $3,800 para magkaroon ng visa.

Dahil dito, nahaharap anya ang mga undocumented OFW sa pag aresto kaya naman ay deporation.

Iginiit ni Speaker GMA na biktima lamang ang mga ito ng mga illegal recruiters at human traffickers.

Ang nakikita anyang solusyon ng pinuno ng Kamara ay ang maayos na kasunduan ng dalawang bansa dahil sa malaki naman ang naitutulong mga Pinoy sa Russia at gayundin naman ang nasabing bansa sa Pilipinas.

TAGS: house speaker arroyo, Russia, St. Petersburg International Economic Forum, house speaker arroyo, Russia, St. Petersburg International Economic Forum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.