Jeep nahulog sa bangin sa Isabela, 7 patay, 31 sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo June 10, 2019 - 11:37 AM

Pito ang patay habang 31 ang sugatan sa aksidenteng naganap sa San Mariano, Isabela, Linggo (June 9) ng hapon.

Ayon kay P/Lt. Jess Alonzo, deputy police chief sa San Mariano Police station, nahulog sa bangin ang isang jeep sa bahagi ng Barangay Balagan.

Overloaded aniya ang jeep at nawalan ito ng preno kaya nahulog sa lalim na 10 metro.

Nakilala ang mga nasawi na si Geoffrey Cajigal driver ng jeep at mga pasaherong sina John Lloyd Rivera, Carmelita Zalun, Mayolen Gammad, Gina Magusib, Ines Tapaoan at Anacleto Cadiente.

Sa inisyal na imbestigasyon, 15 lang ang maximum capacity ng jeep pero umabot sa 40 ang sakay nito na mayroon pang kasamang mga sako ng dsemento.

Dinala naman sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial Hospital ang mga nasugatang pasahero.

TAGS: accident, isabela, San Mariano, accident, isabela, San Mariano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.