WATCH: Tanggapan ng DAR sinabuyan ng lupa ng mga galit na magsasaka
Binato ng lupa ang tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng mga galit na galit na magsasaka na hanggang ngayon ay umaasa sa pangako ng pamahalaan sa repormang palupa.
Kabilang sa mga grupo na lumusob sa tanggapan ng DAR ang grupong Amihan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Anakpawis.
Ayon kay Amihan Chairperson Zenaida Soriano, ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ay lubos napapakinabangan ng mga landlord at oligarchs, para mapanatili ang kanilang kapangyarihan sa mga kaawaawang manggagawang bukid.
Ayon pa sa grupo, simula January 2018 umabot lamang sa 561,000 ektarya ang napamahagi ng DAR, habang ang mga magsasaka na nabigyan na ng certificate of land ownership award ay kalaunan ay nakakansela para sa reclassification at land use conversion.
Matapos na batuhin ng lupa ang harapan ng DAR ay mapayapa namang umalis ang grupo para magtungo naman sa Mediola .
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.