Imbestigasyon sa WellMed sinimulan na ng CIDG

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng The Philippine National Police (PNP) laban sa WellMed Dialysis & Laboratory Center Corp. (WellMed).

Ito ay matapos mabunyag “ghost dialysis” claim ng nasabing kumpanya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Sa press briefing sa Camp Crame sinabi ni PNP chief Police Gen. Oscar Albayalde na magiging bahagi din ng imbestigasyon ng CIDG ang PhilHealth kung kakailanganin.

Pero tiyak aniyang makikipag-ugnayan ang CIDG sa PhilHealth sa magiging takbo ng imbestigasyon.

Una rito, inatasan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin ang mga may-ari ng WellMed.

Read more...