PNP sa UN rapporteurs: Inirerespeto namin ang human rights at rule of law
Sinagot ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ng human rights experts mula sa United Nations na nananawagan ng independent probe sa umano’y “unlawful deaths” na nagaganap sa bansa dahil sa war on drugs.
Ayon kay PNP chief Police General Oscar Albayalde, nakasusunod ang mga pulis sa operational procedures sa mga ikinakasang operasyon kontral ilegal na droga.
Tiniyak din nitong tumutugon lagi ang kanilan mga tauhan sa itinatakda ng rule of law.
Ani Albayalde, sang-ayon sila sa posisyon ng gobyerno na isa na naman itong pagtatangka ng “foreign bodies” na panghimasukan ang “national affairs” ng Pilipinas.
Tiniyak naman ni Albayalde na nag mga alagad ng batas na mapatutunayang lumalabag sa standard police procedures ay kinakasuhan at pinapanagot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.