Nagsagawa ng ‘surprise inspection’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa NAIA Terminal 2 Lunes (June 10) ng umaga.
Ito ay matapos ang naranasang flight delays noong Linggo (June 9) ng gabi dahil sa itinaas na ‘red lightning alert’.
Ang naturang aberya ay nagdulot ng kanselasyon at delay ng mga biyahe habang ang ibang flights ay na-divert sa Clark.
Ayon sa pahayag, ang pangulo ay isinailalim sa briefing ng manager ng Philippine Airlines at duty airport manager sa NAIA-Terminal 2 at ipinaliwanag ang mga hakbang na ginagawa para maibalik sa normal ang sitwasyon.
Inaalam naman ng pangulo sa Department of Transportation (DOTr) ang mga hakbang na maaring gawin upang mabawasan ang epekto sa biyahe at problemang dulot kapag nakararanas ng malakas na buhos ng ulan sa paliparan.
Humingi rin ng paumanhin ang pangulo sa mga naapektuhang pasahero.
Ayon sa pangulo sa loob ng isang buwan ay mayroon ng remedyo sa naturang problema.
Kasama ng pangulo na nag-ikot sapaliparan sinan MIAA GM Ed Monreal, CAAP Director General Capt. Jim Sydiongco, Rep. Martin Romualdez, at Davao businessman Sammy Uy.