Lalaki na nag-utos sa mga vendor na ibenta ang China flag sa Luneta hinahanap na ng MPD

By Ricky Brozas June 10, 2019 - 09:57 AM

Courtesy of Elgin Lazaro III
Tinutunton na ng Ermita Police ang mga lalaki na sinasabing nagbayad sa ilang vendors para magbenta o mag-pose na may hawak na mga bandila ng China sa Rizal Park.

Ayon kay Police Col. Igmedeo Bernaldez, ang hepe ng MPD Station 5, sinabi nito na makakatuwang ng pamunuan ng Rizal Park ang mga pulis upang makita ang mga lalaking sinasabing nasa likod ng Chinese flags, na nag-viral sa social media.

Sinabi ni Bernaldez na malaking tulong ang facial recognition ng mga CCTV ng National Parks Development Committee o NPDC, para mahanap nila ang mga lalaki.

Nauna nang sinabi ng NPDC na nasa tatlong lalaki ang umano’y nagbigay ng mga watawat ng China sa mga vendor.

Sa ngayon, hindi pa masabi ni Bernaldez kung ano ang posibleng sanction o parusa na ipapataw sa mga lalaki.

Pero mahalaga aniya na malaman ang rason kung ano ang motibo ng mga lalaki sa pagbabayad sa vendors para lamang magbenta o humawak ng Chinese flags.

TAGS: chinese flag, Radyo Inquirer, Rizal Park, chinese flag, Radyo Inquirer, Rizal Park

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.