LOOK: Dam status ngayong Lunes ng umaga, June 10
Karamihan sa mga dam sa Luzon ay nabawasan ang water level sa nakalipas na 24 na oras.
Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, Lunes, June 10 ang water level sa Angat dam ay nasa 165.25 meters.
Bumaba ito kumpara sa 165.74 meters na water level nito kahapon ng umaga.
Nawasan din ang water level sa La Mesa dam na nasa 68.64 meters ngayon kumpara sa 68.67 meters kahapon.
Wala namang pagbabago sa water level ng Ipo dam na ngayon ay nasa 100.74 meters.
Nabawasan din ang water level sa Ambuklao, Pantabangan at Magat dams.
Habang nadagdagan naman ang water level sa Binga, San Roque, at Caliraya dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.