Mahigit 70 libong trabaho alok ng DOLE sa Independence Day job fairs
Bubuksan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko ang humigit-kumulang 70,000 trabaho sa loob at labas ng bansa para sa mga aplikante sa nakatakdang Kalayaan Job Fairs.
kaugnay ito sa selbebrasyon ng ika-121 Independence Day sa June 12, 2019.
Ayon sa DOLE, aabot sa 22 job fair sites sa buong bansa ang maaaring dayuhin ng mga naghahanap ng trabaho.
Kabilang sa lokal na trabaho na may pinakamaraming vacancies ay ang mga sumusunod: production machine operators, production worker/factory workers, customer service representatives, call center agents, sewers, sales clerks, cashiers, delivery crew, service crew, at marketing officers.
Bukas din ang mga trabaho sa ibang bansa para cleaners, professional nurses (general), waiters/waitresses, service crew, company drivers, registered midwife, staff nurse, English teachers partikular sa bansang Japan, janitress, barista, technicians (general), at nursing aides.
Ang job orders ay para sa mga bansang Germany, Japan, Bahrain, at Kingdom of Saudi Arabia.
Narito ang mga lugar na pagdarausan ng job fairs:
NCR
San Andres Sports Complex, Malate, Manila
CAR
Sky Zone, Porta Vaga Mall, Upper Session Road, Baguio City
Region 1
Nepo Mall, Dagupan City
Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur
Union Christian College, San Fernando City, La Union
Region 2
Peoples Gymnasium, Tuguegarao City, Cagayan
Region 3
Ayala Malls, Harbor Point, Subic Freeport Zone
Region 4A
Pavilion Mall, Biñan City, Laguna
Liwasang Aguinaldo (FREEDOM PARK), Kawit, Cavite
MIMAROPA
San Jose, Occidental Mindoro
Odiongan, Romblon
Region 6
888 Premier Mall, Bacolod City
Region 7
Cebu City Sports Complex/ Abellana National School
Lapu-Lapu City, Cebu
Lamberto L. Macias Sports and Cultural Center, Dumaguete City
Region 8
Provincial Covered Court, Catbalogan City, Samar
Region 9
KCC Mall de Zamboanga, Gov. Camins Road, Zamboanga City
Region 10
ATRIUM, Limketkai Center, Cagayan de Oro City
Region 11
NCC Mall Buhangin, Km. 7, Tigatto Road, Buhangin, Davao City
Region 12
Trade Hall SM City Gensan, General Santos City
CARAGA
PLGU Training Center, Capitol, Butuan City
Pinayuhan ng DOLE ang mga aplikante na magdala ng maraming kopya resume, 2 x 2 ID photo, kopya ng training certificates, PRC license (kung mayroon), diploma (kung kinakailangan) at certificate of employment (kung nagkaroon ng trabaho).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.