1 patay, 6 sugatan sa pagbagsak ng isang crane sa apartment building sa Dallas

By Dona Dominguez-Cargullo June 10, 2019 - 07:47 AM SHARE(S):

Isa ang patay habang anim ang nasugatan makaraang bumagsak ang isang malaking crane sa isang apartment building at parking garage sa Dallas, Texas.

Ayon sa Dallas-Fire Rescue Department, lima sa mga nasugatan ay nasa serious at critical condition, habang ang isa pa ay maayos na ang lagay.

Apat na palapag ng apartment building ang nawasak ng bumagsak na crane.

Tuluyan ding bumagsak ang crane sa ibabang bahagi ng apartment building at napinsala ang mga sasakyan na nasa garahe.

Nakaranas ng severe storms sa Dallas na may kaakibat na napakalakas na hangin at ito ang posibleng dahilan ng pagbagsak ng crane.

TAGS: crane, dallas texas, Radyo Inquirer, crane, dallas texas, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.