Ilang minutong aberya naranasan sa biyahe ng LRT-1

By Dona Dominguez-Cargullo June 10, 2019 - 06:47 AM

Nagkaroon ng aberya sa biyahe ng LRT-line 1 dahil sa nagkaproblemang tren nito.

Ilang minutong naantala ang biyahe ng LRT-1 partikular ang mga tren na galing Baclaran patungong Roosevelt.

Alas 6:18 ng umaga ng Lunes, June 10 nang unang nag-abiso ang LRT-1 na umiiral ang 15kph speed restriction dahil sa nagkaproblemang tren.

6:24 naman ng umaga nang mag-abiso ang LRT-1 na itinigil muna ang operasyon ng mga tren mula Blaclaran to Roosevelt.

Ayon sa LRT-1 mayroong tren sa Blumentritt na nagkaproblema at inayos ito ng kanilang technician.

6:26 ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon.

Pero pinayuhan ang mga pasahero na maglaan ng ilang minutong mas maaga sa kanilang biyahe dahil nagdulot ng paghaba ng pila sa ilang istasyon ang naranasang aberya.

TAGS: blumentritt station, lrt 1, technical problem, blumentritt station, lrt 1, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.