4 sugatan sa banggaan ng dalawang bus sa EDSA-Quezon Avenue

By Dona Dominguez-Cargullo June 10, 2019 - 06:34 AM

Inquirer file photo
Sugatan ang apat na pasahero matapos magkabangaan ang dalawang bus sa EDSA-Quezon Avenue sa Quezon City.

Binabagtas ng dalawang bus ang bahagi ng EDSA Centris nang bumangga ang 5-Star Bus na biyaheng Pangasinan sa likurang bahagi ng City Bus.

Sa lakas ng pagkakabangga nayupi ang unang bahagi ng 5-star bus at hindi agad nabuksan ang pintuan nito.

Nagtulung-tulong ang mga tauhan ng Road Emergency Group ng MMDA para sirain ang pintuan ng bus upang mailabas ang mga nasugatang pasahero.

Gumamit pa ng spreader and cutter upang masira ang pinto.

Kabilang sa apat na sugatan ay ang isang ginang na 6 na buwang buntis.

Ang madulas na kalsada ang itinuturong dahilan ng driver ng 5-star bus kaya niya nabangga ang likuran ng City Bus.

TAGS: accident, bus, edsa, quezon city, accident, bus, edsa, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.