Dahil sa mahigit 2 oras na red lightning alert sa NAIA kagabi, maraming flights delayed pa rin hanggang Lunes ng umaga

Dahil sa dalawa at kalahating oras na ipinatupad na ground suspension movement sa NAIA kagabi, maraming flights ang nananatiling delay hanggang ngayon umaga.

Itinaas ang ‘red lightning alert’ Linggo ng gabi dahil sa naranasanag malakas na buhos ng ulan at kailangang suspindihin ang ramp movement sa NAIA na nagresulta sa pag-divert at pagka-delay ng maraming flights.

Sa abiso ng Cebu Pacific, alas 4:56 Lunes (June 10) ng umaga, sinabi nitong ang tigil operasyon sa NAIA kagabi ay nagdulot ng delay sa kanilang flights hanggang ngayong umaga.

Humingi rin ito ng pasensya sa mga apektadong pasahero.

Ayon sa CebuPac, ang mga naapektuhang pasahero ay maaring magparebook ng kanilang flights 30 araw mula sa original departure date, mag-rerout, magoa-refund, o kaya ay ipalagay ang full cost ng kanilang ticket sa travel fund para magamit kalaunan.

Read more...