7 eroplano na lalapag dapat sa NAIA na-divert sa Clark

Pitong international at domestic flights papuntang Maynila ang na-divert sa Clark International Airport dahil sa masamang panahon Linggo ng gabi.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ang pitong diverted flights ay ang mga sumusunod:

CD 624: Bangkok – Manila (Thai Airways)
CX 903: Hong Kong – Manila (Cathay Pacific)
2P2 860: Cebu – Manila (PAL Express)
2P2 818: Davao – Manila (PAL Express)
5J 998: GenSan – Manila (Cebu Pacific)
5J 854 Zambo – Manila (Cebu Pacific)
5J 480 Bacolod – Manila (Cebu Pacific)

Samantala, balik-normal na bandang alas-10:00 ng gabi ang ramp movement sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang suspendihin dahil sa itinaas na Red Lightning Alert.

Read more...