Senator-elect Bong Go, binisita si Eddie Garcia sa ospital

By Rhommel Balasbas June 10, 2019 - 12:48 AM

Courtesy of Bong Go

Binisita ni Senator-elect Christopher ‘Bong’ Go ang beteranong aktor na si Eddie Garcia sa ospital.

Alas-8:30 Linggo ng gabi nang dumating si Go sa Makati Medical Center kasama ang mga aktor na sina Phillip Salvador at Robin Padilla.

Sa panayam ng reporters, sinabi ni Go na nais niyang subukang gisingin si Garcia.

“Nndito kami ng dalawa kong kaibigan para gisingin sana si Tito Eddie. Sanay kaming manggisingan sa isa’t isa. Sabi naming subukan naming gisingin si Tito Eddie. Pumasok kami sa ICU,” ani Go.

Ani Go, si Garcia ay tatay ng matalik niyang kaibigan na si Ricky Romero.

“Tatay po siya ng isang matalik kong kaibigan, ni Ricky Romero. Nakakalungkot,” giit ng senator-elect.

Nanawagan si Go ng dasal para sa paggaling ng kanyang Tito Eddie at sa ngayon naman anya ay naibibigay nang husto ang lahat ng pangangailangan nito sa Intensive Care Unit.

Sinegundahan nina Padilla at Salvador ang pangangailangan sa dasal upang gumaling agad si Garcia.

Kasalukuyang kritikal ang kondisyon ng aktor dahil sa severe cervical fracture matapos madapa sa isang taping ng bagong teleserye ng GMA Network.

TAGS: Bong Go visits Eddie Garcia, Critical condition, Bong Go visits Eddie Garcia, Critical condition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.