National Park Development Committee: Bentahan ng Chinese flags sa Luneta ‘scripted’

By Rhommel Balasbas June 10, 2019 - 02:46 AM

Courtesy of Elgin Lazaro III

Tinawag na peke at scripted ng National Parks Development Committee ang viral photos ng umano’y bentahan ng Chinese flags sa Luneta Park araw ng Linggo.

Ayon sa NDPC, ang umano’y mga ‘vendors’ ay binayaran lamang para mag-pose na kunwari ay nagbebenta ng Chinese flags.

Hinuli ang umano’y mga nagtitinda ng Chinese flags at iginiit ng mga ito na napag-utusan lamang sila ng isang grupo ng mga lalaki para sa isang proyekto.

Nakuhaan din umano ng CCTV ng NPDC na may tatlong lalaki na nagbayad sa mga nagpanggap na vendor.

Ang Chinese flags ay kinuha umanong muli ng mga lalaki matapos makuhaan ng litrato ang mga vendor.

Samantala, sinabi ni NPDC Executive Director Penelope Belmonte na ginawa lamang ito ng mga taong nais sirain at isabotahe ang pagdiriwang ng Independence Day ng bansa.

Dapat anyang mahiya ang mga taong gumagawa ng mga ito dahil binabastos ng mga ito ang bansa.

Sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tatlong lalaki na nasa likod ng insidente.

Una rito, iginiit ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. na hindi dapat ikabahala ang insidente dahil may magbebenta rin ng mga bandila ng Estados Unidos sa Philippine-American Friendship day sa Hulyo.

TAGS: Chinese flags sold, Luneta Park, National Parks Development Committee, Chinese flags sold, Luneta Park, National Parks Development Committee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.