Halos P7M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust operation sa Maynila

By Rhommel Balasbas June 10, 2019 - 04:43 AM

Contributed photo

Nakumpiska ang halos P7 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Sta. Ana, Maynila, ala-1:10 Lunes ng madaling araw.

Ikinasa ang operasyon sa pagtutulungan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng NCRPO, Manila Police District (MPD) Station 9 at PDEA – NCR.

Timbog ang mga suspek na nakilalang sina Mark Anthony Alcantara, Rudy Kidlat at Rona Valenzuela.

Ayon kay NCRPO Director Pol. Maj. Gen. Guillermo Eleazar, halos isang buwan nang minamanmanan ang mga suspek.

Pawang miyembro ang mga tatlo ng isang criminal gang na konektado sa mga Chinese national at Muslim na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa Metro Manila at Cavite.

Nakipagtransaksyon ang poseur buyer na pulis sa gilid ng Osmeña Highway at positibong nakabili ng droga mula sa mga suspek.

Umabot sa isang kilo ng shabu ang nakuha mula sa tatlo na tinatayang nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Ayon kay Eleazar, itinago ng mga suspek sa lalagyan ng tsaa ang mga droga.

Sasampahan na ng kasong paglabag sa mga probisyon ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

TAGS: bigtime drug syndicates, buy bust operation, criminal gang, NCRPO Director Pol. Maj. Guillermo Eleazar, bigtime drug syndicates, buy bust operation, criminal gang, NCRPO Director Pol. Maj. Guillermo Eleazar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.