Oil companies may higit P2 rollback sa kanilang mga produkto

By Rhommel Balasbas June 10, 2019 - 03:39 AM

Mas maraming kumpanya ng langis ang nag-anunsyo na ng rollback sa kanilang mga produkto ngayong linggong ito.

Una nang nagpatupad ang Phoenix Petroleum ng rollback noong Sabado kung saan P2.60 kada litro ang tapyas sa gasolina at P2.70 kada litro naman sa diesel.

Mas maliit naman ang inanunsyong rollback ng Shell, Petro Gazz at Seaoil sa kanilang gasolina na aabot lamang sa P2.45 kada litro.

Pare-pareho namang P2.70 ang bawas sa kada litro ng diesel.

Ang Seaoil at Shell ay may bawas ding P2.60 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Epektibo na kaninang alas-12:01 ng hatinggabi ang rollback ng Seaoil na susundan ng Shell, Petro Gazz at iba pang kumpanya ng langis, alas-6:00 ng umaga bukas, araw ng Martes.

Ito na ang ikatlong sunod na linggong may rollback sa presyo ng petrolyo.

Ang sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng imported na krudo ay dahil sa trade war ng malalaking bansa.

TAGS: Big time oil price rollback, oil companies, trade war, Big time oil price rollback, oil companies, trade war

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.