13 patay, 32 sugatan sa truck accident sa Camarines Sur

By Rhommel Balasbas June 10, 2019 - 01:33 AM

Umabot na sa 13 ang nasawi kabilang ang isang bride-to-be at dalawang bata makaraang mawalan ng kontrol ang dump truck na kanilang sinasakyan sa San Fernando, Camarines Sur, Sabado ng hapon.

Lulan ng dump truck ang 53 katao na galing sana sa isang pre-wedding tradition ng Pilipinas na ‘pamamanhikan’.

Ayon kay San Fernando town police investigator Victor Quinao, nawalan ng preno ang truck sa kalsada sa Brgy. Tagpocol kung saan tumilapon ang ilan sa mga sakay nito.

Lima sa mga biktima ay dead on the spot habang karamihan ay sa ospital na namatay.

Ayon kay Patrolman Arnulf Llabres ng San Fernando Municipal Police Station (MPS), ang bride-to-be ay nakausap pa ng mga pulis ngunit kalaunan ay namatay din.

Naputol umano ang mga paa ng biktima.

Ang dalawang bata naman na nasawi ay edad apat at limang taong gulang.

Ayon sa pulisya, iniimbestigahan na nila ang posibleng pananagutan ng driver ng truck.

TAGS: camarines sur, pamamanhikan, truck accident, camarines sur, pamamanhikan, truck accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.