Gazini Ganados ng Talisay, Cebu kinoronahang Miss Universe Philippines 2019

Courtesy of Bb. Pilipinas

Nakoronahan na ang anim na natatanging Filipina na itatayo ang bandera ng Pilipinas sa international pageants ngayong taon.

Ipinasa ni reigning Miss Universe Catriona Gray kay Gazini Ganados ng Talisay, Cebu ang Miss Universe Philippines crown sa coronation ceremonies ng Bb. Pilipinas 2019 sa Araneta Coliseum, Linggo ng gabi.

Haharapin ng Cebuana ang hamong maiuwi ang back-to-back crown sa Miss Universe pageant.

Sa question and answer portion ng pageant, iginiit ni Ganados na bilang Bb. Pilipinas-Universe ay itataguyod niya ang adbokasiyang ipaglaban ang karapatan ng kababaihan.

“If I win the crown tonight, what I will do is to promote my advocacy. My advocacy is for women to fight for our rights and for the elderly care. And for us to be able to know that someone is loving us and someone is pushing us to whatever ambitions that we have. We will be able to rise from our decisions, to whatever dreams that we have, goals that we have and we will achieve it because of those values, those wisdoms that they gave us. Thank you,” ani Ganados.

Ipinasa naman ni Miss International first runner-up Ahtisa Manalo ang kanyang Bb. Pilipinas-International crown sa abugada na si Bea Patricia Magtanong ng Bataan.

Pressure din ang kahaharapin ni Emma Mary Tiglao ng Pampanga na itinanghal na Bb. Pilipinas-Intercontinental dahil ang nagpasa sa kanya ng korona ay ang reigning Miss Intercontinental na si Karen Gallman, ang kauna-unahang Filipina na nagwagi sa nasabing titulo.

Itinanghal namang Bb. Pilipinas-Supranational si Resham Saeed ng Maguindanao.

Habang sina Samantha Lo ng Cebu City at Leren Mae Bautista ng Laguna ang kinoronahang Bb. Pilipinas-Grand International at Bb. Pilipinas-Globe.

Runners-up naman sina Aya Abesamis ng Pasig at Santha Bernardo ng Palawan.

Samantala, kauna-unahan sa modern history ng Bb. Pilipinas ang magkaroon ng technical glitch na dahilan para mabalam ang pagsisimula ng coronation night.

Umabot ang buong programa hanggang Lunes ng madaling araw.

Read more...