MIAA, nag-abiso ng ‘Red Lightning Alert’ sa NAIA

By Angellic Jordan June 09, 2019 - 10:06 PM

Photo grab from Ninoy Aquino International Airport MIAA’s Facebook account

Nag-abiso ang Manila International Airport Authority (MIAA) na pansamantalang sinuspinde ang ramp movement sa eroplano at mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Linggo ng gabi.

Sa inilabas na abiso, ito ay dahil itinaas ang Red Lightning Alert bunsod ng naranasang pagkidlat kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Ipinatupad ang Red Lightning Alert para maiwasan ang anumang untoward incident dahil sa kidlat.

Humingi ang MIAA ng pang-unawa sa publiko dahil sa posibleng idulot nitong delay sa mga biyahe.

Sinabi pa ng ahensya na nananatiling prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero sa empleyado ng paliparan.

TAGS: MIAA, NAIA, ramp movement, Red Lightning Alert, MIAA, NAIA, ramp movement, Red Lightning Alert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.