Nasunog ang nasa 30 kabahayan sa Butuan City, Linggo ng hapon.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Butuan City, nagsimula ang sunog sa bahagi ng Barangay Fort Poyohon bandang 3:30 ng hapon.
Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, sumiklab ang sunog dahil sa naiwang lutuin sa ikalawang palapag ng bahay ni Pastor Macasing.
Umabot sa ikalawang alarma ang sunog.
Patuloy pang inaalam ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan maging ang halaga ng pinsala sa sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.