Kolumnistang si Margarita Valle, nakatakdang palayain ng PNP

By Angellic Jordan June 09, 2019 - 08:58 PM

Nakatakdang palayain ng Philippine National Police (PNP) ang kolumnista na si Margarita Valle.

Naaresto si Valle sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental, Linggo ng umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP spokesman Col. Bernard Banac na mistaken identity ang naturang insidente.

Aniya, nang iharap si Valle sa witness ng kaso, inilahad nito na magkahawig lamang si Valle at ang mismong suspek sa kaso.

Palalayain si Valle matapos dumaan sa medical examination at documentation.

Sa naunang inilabas na ulat, sinabi ng pulisya na inaresto ang 60-anyos na kolumnista sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong multiple murder with quadruple furstrated murder at damage to government property na inilabas ng Misamis Occidental regional trial court noong December 2011.

Pauwi na sana si Valle mula sa dinaluhang writing workshop sa Cagayan de Oro nang arestuhin sa nasabing paliparan.

TAGS: Col. Bernard Banac, Laguindingan Airport, Margarita Valle, mistaken identity, PNP, Col. Bernard Banac, Laguindingan Airport, Margarita Valle, mistaken identity, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.