Anak ng Gonzaga, Cagayan mayor inaresto dahil sa umano’y pamamaril sa PDEA agent

Inquirer file photo

Arestado ang anak na lalaki ni Gonzaga, Cagayan mayor Marilyn Pentecostes dahil sa umano’y pamamaril sa isang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent.

Ayon sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng PDEA ang suspek na si Jonjie Pentecostes sa isang sabungan sa Tuguegarao City.

Nauna nang nakulong si Pentecostes dahil sa illegal possession of firearms noong nakaraang taon.

Ngunit, nakalaya rin makaraang makapagpiyansa sa kasong illegal possession of firearms.

Read more...