Nag-iisang mananaya ng 6-Digit Lotto, nanalo ng P12.8M

By Angellic Jordan June 09, 2019 - 07:58 PM

Nanalo ang nag-iisang mananaya ng 6-Digit Lotto ng jackpot prize na P12.8 milyon.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa isinagawang lotto draw Sabado ng gabi (June 8), lumabas ang winning combination na 2, 1, 0, 7, 1, 6.

Sinabi ng ahensya na kakaltasan ang jackpot prize ng 20 porsyento kasunod ng TRAIN law.

Para makuha ang premyo, kinakailangang pumunta ng maswerteng mananaya sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang identification card.

Samantala, wala namang nanalo sa mahigit P30 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.

Ang winning combination ay 26, 34, 39, 52, 22 at 47.

TAGS: 6-Digit Lotto, pcso, 6-Digit Lotto, pcso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.