Eddie Garcia, nagtamo ng neck fracture at hindi inatake sa puso

Nagtamo ang beteranong aktor na si Eddie Garcia ng neck fracture nang madapa sa taping ng bagong television program sa GMA Network.

Sa inilabas na pahayag ng pamilya Garcia, nilinaw ng doktor na si Dr. Enrique Lagman na hindi inatake sa puso ang 90-anyos na aktor.

Matapos ang dumaan sa ilang medical tests sa Mary Johnston Hospital, lumabas na nasa kritikal na kondisyon si Eddie dahil sa ‘severe cervical fracture.’

Matatandaang inihayag ng GMA Network na masinsinan nilang sinusuri ang mga video ng pagbagsak ni Eddie sa kasagsagan ng taping.

Nanawagan naman ang pamilya ng beteranong aktor ng patuloy na pagdarasal para sa mabilis na magpagaling ni Eddie.

Read more...