1,000 nurse, kailangan sa Saudi Arabia

Nangangailagan ang Saudi Arabia ng 1,000 nurse.

Ayon sa pahayag ng Ministry of Health ng Saudi Arabia, partikular na hinahanap ng kanilang bansa ang babaeng nurse specialists.

Bukod sa Nursing degree, kinakailangan na may lisensya mula sa Professional Regular Commission (PRC) ang isang aplikante at may isang taong work experience.

Makatatanggap din ang makukuhang nurse ng libreng pagkain, accommodation at taunang paid vacation leave.

Para sa mga aplikante, maari lamang na magparehistro muna sa website ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at magsumite ng mga kinakailangang dokumento sa tanggapan ng POEA sa Mandaluyong City.

Read more...