PVAO, tiniyak na hindi kinukuha ang pensyon ng mga pumanaw nang miyembro nito
Ginarantiya ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na hindi kinukuha ang pensyon ng mga patay na miyembro nito.
Taliwas ito sa ulat ng Commission on Audit (COA) na aabot sa 5,700 na nasa payroll ng PVAO ang patuloy na nakatatanggap ng buwanang pensyon kahit patay na.
Sa ulat ng COA, aabot sa mahigit P70 milyong halaga ng pensyon kung saan mahigit sa kalahati nito ang nanatiling unrefunded.
Ayon kay PVAO administrator undersecretary Ernesto Carolina, walang patay ang nakatanggap ng pensyon.
Paliwanag ni Carolina, may ilang veteran ang hindi pa naaalis sa payroll dahil hindi pa naabisuhan ang kanilang tanggapan na pumanaw na ang isang miyembro nito.
Giit ni Carolina, na-transfer lamang sa bangko ang pensyon pero hindi na withdraw.
Matagal na aniya ang dalawang buwan para hindi malaman ng PVAO na pumanaw na ang isang veteran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.