5,000 pulis, ipakakalat sa SONA ni Pangulong Duterte sa July 22

By Chona Yu June 09, 2019 - 03:57 PM

Aabot sa 5,000 pulis ang idedeploy sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22, 2019.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Major General Guillermo Eleazar, ito ay para matiyak ang peace and order sa SONA ng pangulo.

Ayon kay Eleazar, paiiralin ng mga pulis ang maximum tolerance.

Kinakailangan na magkaroon aniya ng pag-uusap ang mga pulis at mga raliyista.

Kung anuman aniya ang mapag-uusapan ng dalawang panig, dapat na tuparin ng magkabilang kampo.

Paliwanag ni Eleazar, sa nakalipas na tatlong DONA, hindi naglagay ng barb wire ang PNP at hinayaan ang mga raliyista na makapagsagawa ng kilos-protesta basta’t tiyakin na naayon sa batas ang malayang pamamahayag.

Sa ngayon, sinabi ni Eleazar na wala namang namomonitor ang PNP na banta sa seguridad para sa SONA ng pangulo.

TAGS: Guillermo Eleazar, NCRPO, Pangulong Duterte, PNP, Pulis, SONA, Guillermo Eleazar, NCRPO, Pangulong Duterte, PNP, Pulis, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.