Visayas, Mindanao patuloy na uulanin sa maghapon bunsod ng ITCZ

By Angellic Jordan June 09, 2019 - 04:26 PM

Photo grab from DOST PAGASA’s official website

Patuloy na uulanin ang Visayas at Mindanao bunsod ng umiiral na intertropical convergence zone (ITCZ) sa bansa.

Sa abiso ng PAGASA weather bureau, makararanas ang Visayas at Mindanao ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.

Isolated rain showers bunsod ng localized thunderstorms naman ang mararamdaman sa Metro Manila at nalalabing parte ng Luzon bandang hapon hanggang gabi ng araw ng Linggo.

Dahil dito, nagbabala ang PAGASA sa posible nitong idulot na pagbabaha at landslide sa mga mababang lugar.

Samantala, wala namang inilabas na gale warning ang weather bureau sa bansa.

TAGS: ITCZ, Luzon, Metro Manila, Mindanao, Pagasa, ulan, Visayas, ITCZ, Luzon, Metro Manila, Mindanao, Pagasa, ulan, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.